Nakuha namin ni mhae sa wakas ang starbucks planner—small brown—sa unang gabi ng Pebrero. Medyo sayang ang coupons para sa Enero pero ayos na rin kasi nakalibre naman na kami ng mga coupon dati. Doon kami nag-claim sa starbucks sa may opisina niya dahil doon kami nakarami nitong nakaraang tatlong taon at palapit na noon ang kanyang pag-resign. Ilang meetup din ang ginawa namin imbis na pagsundo sa kanila dahil pinilit na rin niya ang mas sulit na paggamit ng oras mula pagkatapos ng klase hanggang sa pumasok siya sa opisina. Isang standout moment nga pala sa paghihintay ko sa kanya ay ang pagtulong ko sa isang matanda na tumawid mula sa side ng export bank hanggang makapasok siya sa mcdo. At sa pag-alala sa mga matatanda, napapaisip din ako kung ano nang nangyari sa matandang natutulog na may katabing stampita sa building malapit sa amin. Sa unang linggo ng buwan, sinubukan ko na ring simulang and pagpapa-ensayo para sa Ash Wednesday dahil ganado ako sa aktibong mga representative ng mga choir sa MM. pagkatapos ito ng jrock gig sa otaku expo na nakaka-nostalgia. Sa paghahanda nga lang para sa gig, nasigurado ko sa sarili ko na hindi na ako pwede sa ganun. Iba na ang drive ko sa buhay. Salamat pa rin kay Sol. Problema ko na lang, paano ko sasabihin sa kanya at sa mga kabanda namin na kailangan ko nang magpaalam kahit naka-isang gig pa lang kami. sa pagbili-bili naman, patungo na ako sa pagsasara ng koleksyon ko nang mga siyam na taon din. Nakuha ko na rin sa wakas ang eva rebuild portraits 8 at revoltech eva mark.6 na in-order ko sa lazada bago magsara ang Enero. Sa opisina naman, patuloy ang mga prospective project at tila patindi ang para sa MWCI NBAQ4. Ayun pala, actual project pala namin (may bayad) ang bid preparation para sa FFCruz.
Hindi ko masyadong napansin ang papalapit na Valentine’s Day / 41st Wedding Anniversary nina Mama at Papa. Nakatuon siguro ang pansin ko sa 40 days ni Tito Feds, ang celebrasyon namin ng araw ng pagtatapos ng biyahe niya tungong Langit. Masarap ang Calimon family lunch sa Guevarra’s. masaya. Tama nga at may ipinagdiriwang nga kami, at alam naming nagdiriwang rin ang Langit sa pag-uwi ng isang pang mabuting kaluluwa. Naka-ilang tampo time kami ni mhae pero mas maraming sweet moments—mula sa pag-alala sa pagkikita namin at pagsisimula ng pagkakaibiga namin hanggang sa pag-deliver ng pancake house at kiss noong Valentine’s day kasi nag-aaral/nagpapahinga siya para sa mga parating na exam. Nakabili rin kami sa wakas ng sapatos na ipangbabasketball ko. Noong Linggong iyon, napanood din namin ang Lego Batman Movie. Sa choir, sa wakas, nakapag-ensayo na rin kami kahit papaano. Nakabuo rin ako ng proseso ng pagbili, pagtanggap, at pagbalik ng item sa Lazada—replacement T100 charger. Hindi inasahang ang susunod kong pagbili ay mamomroblema nang mas malaki. Pero bago yun, sa pagsapit ng Feb 14, nag-family lunch kami sa Pancake House, Paseo de Magallanes at nagkuhanan ng picture sa mga heart heart sa may parking. May contest. Nakapagpadentista rin ako. Akala ko aalisin na ang braces ko. Di pa pala. Pero palapit na para sa itaas. Sana ngayong taon din ang sa baba.
Dumating din ang last shift ni mhae sa west/alorica noong Feb 16 bago ang pag-file niya ng immediate resignation noong Feb 17. Binabalik-balikan namin nang konti ang nagdaang mga taon na hinahatid ko siya sa opisina at ang ilang pagsundo ko sa kanya. Nakakatuwa pero nakagiginhawa rin na graduate na siya sa industriya ng call center. Noong hinihintay ko siya na matapos ang pag-file ng resignation, noon ko binili ang apat na shelf sa lazada. Ilang araw matapos noon, noong Linggo na nag-TV/USB movie date kami sa bahay dahil nasa high school reunion si mama at nasa hilton reunion si papa, na-engage sina Miro at RC sa japan. Syempre, may mga na-pressure. Sa techie side naman, sumuko na ako sa mypad2 na nagsilbing alarm paminsan-minsan. Bumigay na nga ata ang baterya. Natuwa naman ako at naisipan kong gamitin uli ang bluetooth headset ko sa ilang tawag ko kay mhae bago matulog. At syempre, nakakatuwang gawin uli yun kasi matagal na nga rin kaming hindi nakakapagtawagan bago matulog dahil sa shift niya. Ginamit din ni papa uli ang luma niyang myphone (yung kasabay ng mypad2) kasi naupuan niya ata yung latest niyang myphone. Buti hindi yung LG. bago pala yon, ako naman ang nag-antay sa magulang na umuwi dahil gumimik. Ayun, naparamdam ni papa sa akin kahit kaunti ang nararamdaman nila noong mga panahong madalas akong uminom sa labas at nagpapa-madaling-araw. May patawag-tawag pa ako sa telepono.
Ayan, patapos na ang buwan. Mabilis ang Pebrero, kulang kai ng dalawang araw. Mahigit isang linggo ko ring pinroblema ang customer service ng Lazada dahil sa kulang na delivery. Buti naman at napagbigyan ako na hindi na isauli ang natanggap ko na para lang ibalik uli sa akin. Binigyan na lang ako kanina ng voucher refund. Bukas o sa huwebes ko na lang siguro papalitan ang negative feedback ko. Sa buhay korista, nahalal nga pala akong secretary kasama nina froi (pres), pj (vp), at mike ruga (treasurer) sa MM. nag-meeting kami na kami-kami lang tapos nakausap na rin namin si Fr. Ting na postibo ang pananaw at plano para sa ministry. Panibagong hamon ito sa buhay ko na alam kong mahihirapan ako. Hindi ko pa nga na-e-encode ang minutes. Tumindi na rin nang todo ang bid prepartion project namin nina TJ. Matagal na rin akong hindi nacha-challenge. Break muna. Ayun, na-e-enjoy namin ni mhae ang bakasyon niya sa school at ang pag-resign niya. Naka-isa pa kaming sine—50 shades—at nakapag-cash n carry date na rin kami sa wakas. Nakapag-grocery bonding din kami kasama sina aboy at bonbon. Ayun, isa ring breaktime mula sa good/bad news ni KR ilang araw ang nakalilipas. Balik sa trabaho ko, may medyo maliit din kaming prospective ni sir robert na natutuwa naman akong makatrabaho kahit papaano, kahit kaunti. Nagsimula na rin ang sportsfest. Medyo badtrip lang ako sa basketball, pero ang sarap ng feeling manalo ang team sa chess. Ewan ko pero cino-congratulate ko sarili ko sa paglagay ng mga myembro sa team na alam kong mas may laban kaysa sa akin. si papa naman, kararating kanina mula malaysia. Noong linggo siya umalis. Ang galing din ng pag-solve sa mga problema niya noong sabado—naiwan cellphone sa pcc—at hindi makahanap ng lock para sa maleta. Skato pala sa mga pagbasa at homily noong Linggo na may kinalaman sa pag-asa sa Diyos. Kasama na rin dun ang pag-asa sa mga tao sa paligid dahil mga instrumento sila ng Diyos. Galing. Panalo rin noong Linggo na marami kami sa PEMC 11am at napa-practice din kagabi. At nagsara ang buwan sa paghatid ni mhae sa akin sa opisina kaninang umaga at pagtambay ko sa kanila pagkatapos ng opisina. Relax mode na uli. Medyo. Tila may mga pagsubok na matindi simula bukas. Sakto, simula rin ng Kwaresma bukas.