Tantsa lang pero halos ganun na rin yun. Kung tutuusin, mas marami pa siguro sa dalawang panalo kada-isang sablay.
Matapos ang ilang buwan, nakapagpagupit na rin ako uli. Dala na rin siguro ng pagkawala (malamang nasa ilalim ng kama) ng headband na mahigit isang buwan ko rin sigurong ginamit. At dahil nga tila kailangan ko nang mag-ayos ng kwarto, sinimulan ko sa pagpapalit ng kobrekama at mga punda. Napalitan na rin ang kurtina. Nakatulog nga lang kanina noong ini-schedule kong mag-ayos na talaga. Kung tutuusin, ilang linggo ko nang inisip na maglilinis pero nagkasakit rin kasi ako.
Naka-isang SL ako at dalawang half-day—sang VL isang SL. Yung isang half-day (at undertime), para ipagdiwang ang last day ng term ni Mhae. Nakapag-ramen kami sa yamazaki. Noon ko binili ang spare phone ko na dalawang linggo ang transition period ko.
Noong weekend na yun kami nanood ng Ms. Peregrine’s Home for Peculiar Children. 15 nun. Nitong Linggo naman kami nanood ng Doctor Strange. Lumalabas naka-2 sine kami ngayong buwan. Nakagala rin sa Walermart at Glorietta nang maigi-igi. Sa waltermart, nakabili kami sa wakas ng rinnung shoes na hindi ko pa naipangtatakbo. Naibili rin namin si Bonbon ng basketball shoes niya na ipangba-badminton, volleyball, at basketball niya.
Marami-rami ata akong nabili ngayong buwan na ito—scanner, videocard, aircon para kina mama at papa, ovalteenies na ovaltine na lang ang nakatatak, burger sa kanto ng bonifacio at m.reyes, okonomiyaki na kinain namin sa office. ok rin at napaayos ko yung email ko sa metrobank at tila mas matino ang pagbayad ko sa mga credit card ngayon. Hassle pa rin yung overchage sa globe na kailangan kong itawag na sa lalong madaling panahon.
Dahil may problema rin nga pala sa signal ng globe ni Mhae sa kanila, bumili na kami ng sun sim para gamitin niya. Dahil ang nakasanayan kong TU150 na bitin ang 5 hours na tawag para sa amin, dalawang linggo nang nag-CTU100 si Mhae. Sulit naman dahil nakaka-txt na rin siya at mas madali ang pagtawag niya sa akin. Hindi pa napuputol kada-12 na minuto.
Ang opisina ay nakakatamad pa rin (o ako lang siguro talaga ang nawalan na ng hilig sa trabaho) at ang choir ko ay tila tumatahimik. Nakatutuwa rin na mukhang nagagandahan ang taong bayan sa pagkanta ni Mhae (kasi ang hina ko pala talagang kumanta) tuwing 6:30 nang umaga. Matagal ring namalagi sa kwarto ko ang keyboard na nahiram uli ni ryan noong nagdaang linggo. Iyon ay matapos na ibalik niya muna sa akin pagkakanta namin noong a-uno sa street Mass. Laking pasasalamat ko rin na dumating siya noon kasi na-stress ako sa pag-aral na gitarahin ang mga kanta. Ayos din na napilitan akong mag-gitara uli (kahit hindi natuloy sa mismong Misa) dahil napalitan ko na rin ang matagal nang naputol na 1st string ng classical guitar ko. Pinalitan ko rin dahil sa ang hirap nang tugtugin ng applause ko.
Sa buhay pamilya, may dalawang family lunch, isa para sa bday ni Tito Boy at isa para sa bday nina Tita Chato at Ate Ge. Tig-isa sa side ni Papa at ni Mama. Masaya rin ako na naka-aircon na uli sina Mama at Papa. At nakatutuwa na tapos na at mukhang malaking success ang matagal na pinaghirapan nina Papa na Coop Summit. Nakapagtrabaho pa nang ilang araw si Kuya Joemer.
Sa buhay barkada, nanganak na si Ced at ang panganay nila ni Dogi na si Rori (pero Meg pa rin ang tawag namin) ay isang magandang biyaya. Nakalulungkot lang na ang Dad naman ni Kevin ay pumanaw. Buti at nakadalaw kami ni Mhae sa pakikiramay sa Cubao Catherdal. Oo nga pala, nakakatuwang bumalik doon dahil naalala ko ang panahon ng paghahanda para sa Papal Mass. Pamilyar din si Mhae sa lugar dahil siya nga pala ang nag-direct sa akin noong una akong pumunta doon, noon nga lang, pauwi kami. Sina Yaluts at Cata nga pala, ikakasal na!
Isa rin sa mga trip/accomplishment ko nitong nagdaang buwan ang pagsakay sa LRT/MRT 1-2-3 noong pumunta ako sa Gilmore para bilhin ang RX480 at canon scanner. Nag-picture ako sa bawat step kaso nakalimutan ko yung MRT 2 to 3 transition. Pero ayun, hindi ko maalala kung nagawa ko na yung trip na yun dati.
Bale ano ba ang mga sablay ko ngayong buwan? Ayun nga, hindi ko pa naaayos ang PC ko, hindi ko rin na-scan ang mga kailangan kong i-scan (69 bills, pyesa, docs para sa palawan), hindi pa kami natuloy sa pagpunta sa Pilgrim Church, at ang usual na mga kasablayan ko. Pero iba ang pakiramdam ng buwan na ito na marami talagang panalo moments. O baka hindi na ako sanay. Mukhang mas magandang masanay sa panalo.