Nagsasara ang buwan ng wika na hindi namin masyadong nabigyang tuon ang paggamit ng wika. Marahil ay nagreklamo ako na tila naging katatawanan ang paggamit sa wikang filipino, imbis na magsilbi itong pamamaraan ng pagtaguyod ng kaalaman at wastong paggamit ng wika.
Sa nagdaang buwan, may tagumpay at pagkabigo sa paglilinis ng aking kwarto at kaluluwa. Isang magandang punto ng buwan ay ang pagsimba namin nina mama at papa sa bulacan kasama ni mhae noong linggo bago ang kapistahan ng pagakyat kay Inang Maria sa langit. Ang saya na nakapunta na rin si mhae sa probinsya namin sa wakas at makasama siya sa medyo bonding time na rin namin nina mama at papa.
Sa paggastos, mukhang hindi ko na-manage nang maigi ang mga credit card dahil napalampas ko ang bayaran ng eastwest card ko. Nakakabawi naman sa ilang pagpapa-reverse ng annual fee kahit hindi lubusan at lahatan. Marami-rami ring pagbili ngayon sa fastfood lalo pa at madalas sinusundo si mhae pagkagaling sa school.
Mabilis nauso ang pokemon go at nakakatuwa na tuwang-tuwa si mhae. Nakarami siya sa school pero dito sa amin unang naaliw dahil may mangilan-ngilan din dito. Nakadalawang pelikula kami ngayong buwan—suicide squade at secret life of pets. Mukhang sa mga lakwatsa nang weekend at pakain-kain sa labas, ang sarap ng pakiramdam na steady at masayang-masaya kami.
Sa wakas, salamat sa ebay, nakabili ako ng mp-21 bumblebee. sa totoo lang, regalo ko dapat ito kay mhae. Hehe. Sa darating na buwan, sana hindi ako maunahan sa mp-28 hot rod. Desidido na ako, hindi ko pagkakagastusan ang mp-9. Lumalabas, mas mahal pa yun sa bagong rx480 na aking paghahandaan talaga.
Sa choir, medyo humina ata ang boses ng pemc pero mas may ganda sa pagkanta namin dahil unti-unting binabalik ni ryan ang pagkakaisa sa music ministry namin. Sana’y magpatuloy.
Sa opisina, umaabot at hindi umaabot sa deadline sa masinloc project. Mukhang kinakaya naman kahit napapansin kong umiiral na nga lalo ang pagiging jaded ko. Ang tv5 naman at patapos na at nakakatuwang makabisita nang ilang beses na hindi nakaka-stress.
Ayun, patapos na ang agosto at mukhang mapapaabot ko naman ang post na ito. Bukas, lilipad na sina tito nonong at tita chato para sa pilgrimage nila dala ang mga panalangin namin. Ang sarap isipin na ang panalangin ay naririnig.