Minsan, nahihirapan na akong makaisip ng pamagat na may numero sa mga post ko dito.
Mabilisan uli ito at susundan ko ang mga column sa log 2016.xls ko.
Sa aking kwarto, napagpasyahan at nabili ko na ang dalawang shelf para lalagyan ng mga kalat/box ng mga gamit-gamit ko. Tinulungan ako ni mhaelord sa pag-aayos at medyo madrama ako sa pag-aayos pero ang swerte ko talaga sa pagiging maunawain niya.
Sa pamilya, nagdiwang ng ika-40 na wedding anniversary ang mahal kong mama at papa. Masaya ako at wala namang iyakan sa selebrasyon. Walang tears of joy, puro joy lang.
May ilang magkakasunod na McDo days (nasingitan lang ng Ash Wednesday). Sinubukan kong mag-6-day Pizza Challenge pero hindi ko nagawa. sa kabuuan naman ng buwan, naka-apat na pizza day naman.
Isa lang ang major date day namin pero naka-ilang movie and popcorn time sa bahay. Mangilan-ngilan din ang delivery moments. Balik sa major date, movie and lunch, at niregaluhan ako ng Mr. Big na CD. Panalo talaga.
Sa pagsisilbi sa Simbahan, Kwaresma na at lumalaki na ang partisipasyon ko sa pagsasaayos (sana) ng pagkanta sa parokya. Kataon na napaliligiran ako ng mga magagaling at pursigidong mga tao tulad nina ryan, henrick, at froiland.
Sa opisina…hahahaha. Intense and pag-iisip at medyo nakakakaba ang mga timeline at requirement at mga bagay-bagay. Kaya to!
Sa barkada at mga matagal nang kaibigan, wala masyadong g69 activities. Ang may significant na pangyayari ay ang pagkikita-kita namin nina reggie, dei, at deo sa may Kalayaan at ang patuloy na komunikasyon sa Viber. Ah, oo nga pala, tuloy ang kalokohan sa g69 Viber group.
Oo nga pala, nagsimulang magloko ang z1 compact ko. Gumagana pa naman.