Monday, August 31, 2015

full 2 hands

naka-dalawang long weekend ngayong Agosto at nasulit ko sa tulog. bumaba ang bilang ko sa overtime ko, mukhang kailangang bumawi sa papasok na buwan. kailangang gawan ng paraan.

mukhang nakarami ako ng hawak na trabaho, tatlong project. hindi ko nabibigyan ng kaukulang pansin lahat. ito na yung challenge ng increase sa sweldo. kaya. swerte rin ako at maayos-ayos ang mga kagrupo ko. maayos-ayos, may room for improvement para mas maka-focus ako. basta, kailangang mag-OT, para sa pagtapos ng trabaho at OT pay. haha. napagastos din kasi sa bluetooth headset. hehe. pero sulit naman. sa October ko na lang ipapaayos yung sirang earphone jack ng phone ko.

ang date night namin ni mhae noong “munchary” namin, sa amici. comedy kasi nagkamali ng hain at bill sa amin pero di namin napansin. sayang lang, hindi namin nabuo yung triple blue cheese.

nagugutom ako. sa wakas, napapalitan ko yung resibo sa hsbc. noon kailan ba yun, napapalitan ko rin yung sa eastwest na matagal ding natago sa wallet ko. baon ni mhae yung 2-pc. chicken (na medyo hinanda sa init ng ulo na napawi na ngayon ng mga sorry at kiss at hug) ng pancake house at kakainin ko maya-maya ang 3-pc hotcake.

kailangan kong maging mas-vigilant sa akong pag-iwas sa softdrinks gawa ng nahihirapan ako sa pagkanta. dahil nirerecord ko ang mga pagkanta namin sa Misa at ensayo, naririnig ko kung gaano ako nawala sa ayos sa pagkanta. maayos-ayos pa rin naman pero alam ko mas ok dati. at mas hirap ako ngayon kahit na mas masaya ako sa bagong choir.

nagsimula ang buwan sa binyag ni baby mishka. nagkaroon din uli ng liturgical seminar ang MM (na parang yung dati rin ang natutunan ko). kahit alam ko naman na halos lahat ng mga nakuha ko, iba pa rin yung marinig muli at mapaalala ang sarili sa paninindigan bilang Kristyanong nagsisilbi.

nagugutom na ako. bitin na naman flashback ko. kung tutuusin, bitin nga yung agosto kasi kahit parang ang haba sana niya, at mas may napala ako, mas marami pa sana. pero ayos lang din yun, yung wanting to be much better. sulong lang.

maligayang buwan ng wika at araw ng mga bayani.