maganda ang simula ng hulyo, masarap ang pagkanta sa Misa, masarap ang makapangumpisal, may pag-asa na matapos na nang mahusay ang proyekto sa opisina. tapos wala, andun talaga yung tendency na bumalik sa nakagawian. pero hindi, hindi talaga wala. magsasawa ka rin pala talaga sa pagbagsak at napipilitan ka, kahit hindi mo alam kung paano mo gagawin, mapipilitan kang maging mas ok.
sa mas hindi malalim na pag-iisip, sa flashback mode, pagkatapos ng happy meal minions craze ay ang mismong minion movie crazy. suilt sa panonood at syempre, napanood na rin namin ni mhaelord ang minions sa sinehan na magkasama. unang pelikula namin yung depsicable me pero sa xperia pro ko yun at sa bus pa namin sinimulan habang hinahatid ko siya sa opisina niya noon sa ortigas.
naka-dalawang practice din ata kaming PEMC sa bahay nina ryan at zai. kahit hindi kumpleto, nakakatuwa pa ring makapagpractice uli. sa SMC, kahit papaano, yung medyo practice bago at matapos ang Misa, pwede na rin. pero balik sa tunog-6:30am, ang sarap nga talagang kumanta na bukal sa kalooban mo ang paglilingkod na nawawala ang inis at hindi pagkakaunawaan.
umuwi na si ara kasama si erwin at ang masasabi ko, hindi ito ang pinakamasayang balik-bayan experience at pagbisita sa pilipinas. syempre, nasa mga tao rin yun kung paano nila susulitin ang mga panahon sa buhay nila. sana lang, mas may naibibigay ako.
nakakatuwa naman din na sa kabila ng stress sa mga bagay-bagay at sa pagod sa school, 3rd top employee of the year pa rin si mhae. may plaque pa nga siya. nakakalambot ng puso na maka-inspire ng isang taong nakaka-inspire rin sayo at sa ibang tao.
sa techie stuff, RTM na ang Windows 10 sa dalawang desktop ko dito sa bahay at kahapon nang madaling-araw/umaga, na-upgrade ko na ang transformer ko.
sa mga kwentong kainan/inuman naman kasama ang mga (dating) kaopisina, kasama na ang kasal ni daryl kanina, ang sarap lang ng pakiramdam. at panalo rin na pasok sa aking boyfriend duties schedule.
balik sa pagmu-muni-muni, pagkauwi mula sa paghatid kay mhaelord sa opisina, gusto kong tulungan yung dalawang koreanong nadaanan namin na nalingon lang namin kasi nagmamadali na kami. pero naramdaman ko rin yung pagod. ang tanging nagawa ko ay magdasal nang konti at magsisi na wala akong nagawa. medyo yun yung sinasabi ko, kahit parang bumabalik ka lang sa pa-easy-easy, sa pwede na, sa ilang pagkakamali, sa hindi paggawa ng mas tama, hindi ka na makukuntento, magsasawa ka rin. iyon ang mayroon ako ngayon, ang pagkasawa.
pero sa ngayon, pahinga muna. overtime bukas. buwan ng wika na bukas.