pag tiningnan ang kalendaryo, itong Pebrero 2015 ang “perfect 4 weeks”. nagsimula kasi nang sunday kaya saktong apat na linya lang ang apat na linggo.
ang unang linggo ay binati pahabol na pagdiriwang ng mga january birthday celebrant sa choir. nasabayan ito ng trahedya sa kapitbahayan nina apsy. pasalamat na rin kami dahil mga gamit lang ang nawala sa apoy at walang nabawing buhay. nakakalugod ding makita ang pagtulong sa kanila sa sumunod na linggo. nababalikan ang alaala ng naging sunog dito noon at nakagiginhawang isiping nagdaan iyon at nasa maayos na ngayon.
sa pang-araw-araw namang pagtambay sa bahay, bumalik na ang steady na internet connection salamat sa pagpalit sa modem. yun lang pala ang problema, napatagal pa nang maraming buwan.
kasabay ng pagdating ng pangalawang linggo ng pebrero ang paghahanda ng marami sa araw ng mga puso. sa akin, ang nangyari ay pag-ubos ng mga late sa office. palapit na rin nang palapit ang deadline ng TV5 at tila pa-easy-easy pa rin ako. haha. pagalingan na lang to sa clutch time.
naisipan ko na ring i-update ang main pc ko dito sa windows 10 technical preview. nagsimula na ok at nagkaroon ng mga problema hanggang sa naayos ko na rin matapos ang mahigit isang linggo siguro.
pagdating ng valentine’s weekend, kumain kaming pamilya sa labas. generally simple. napigilan ako ni mhae na magregalo ng bulaklak. ang pinaka-selebrasyon namin ay panonood ng pelikula noong linggo. iyon na siguro ang regalo ko sa kanya at natuwa rin naman ako sa simple at sweet na regalo niyang greeting card. naisip ko rin yun pero di ko nagawa. nakakatuwa kasi siya ang gumawa. panalo talaga.
sa ikatlong linggo ng pebrero, nag-leave ako nang ash wednesday para magpadentista, at holiday ang huwebes dahil sa chinese new year. dahil walang pasok, tambay time din yun sa apartment nina mhae. nangyari din nung araw na yun na nagkasunog na naman nang malak dito naman sa malapit-lapit sa amin, malapit kina jeorge. pasasalamat din para kina jeorge, ralph, at kanilang mga kapamilya na hindi sila inabot. nadali lang ang ilang gamit pero mas maigi na yun.
nakatatlong 6:30am Mass na kumanta kami ni mhae. nalahat din ni kuya jo ang mga 8pm Mass sa kabila ng problema sa mga may problema sa kanya. may bago rin kaming member. si kiko, sana may bagong resolve sa pamumuno sa choir. at si kuya marlowe, sana natuwa naman sa token ko bilang pasasalamat sa kanyang bagong role sa pagtulong sa mga practice namin.
itong nagdaang linggo, timutindi ang excitement, hindi pressure, sa TV5 project na patapos na at sa megaworld project na nagsisimula na. pagalingan na. nagpapasalamat din ako sa binalita at natanggap kong karagdagang sahod.
hindi ko na-sustain yung hype at drive noong simula ng taon sa pag-improve at pag-accomplish. sakto sana tong saktong pebrero para sa pag-pickup pero slow pace pa rin as usual. pero salamat sa mas dumaraming dahilan para ma-inspire at magpumilit—andyan ang trabaho, ang makita ang pagtulong ng mga tao sa kapwa, at ang syang handog ng mahal sa buhay. salamat Po.