Thursday, July 31, 2014

1/2 and 1/2

nagawa ko rin uli sa trabaho ang full attendance/paid leave sa first half. sabay ubos-ubos ng sick leave at unpaid leave naman pagdating ng second half. tinamaan ng sakit ng ngipin na nagdulot sa hindi pagpasok nang halos isang buong linggo. naka”swerte” nama kahit papaano dahil may halos isa’t kalahating araw na work suspension dahil sa bagyo. sa sumunod na linggo, dahil sa pagmamadali para hindi ma-late, naiwan ko ang payong ko. ang bunga: ubo’t sipon.

isa’t kalahating linggo pagkatapos ng isang linggong pag-antibiotic para sa impeksyon sa ngipin, panibagong linggo ng antibiotic at iba pang gamot para mas madaling mawala ang ubot’t sipon. ok na rin ito para mas makakanta nang mas maayos. magsisimula na ang mga practice para sa Papal visit.

kailangan ko ring maging mas present sa choir. tila pag hindi ako nakakarating nang Linggo, nagkakaroon o may nagsisimulang gulo. konti pang pananalig. at least kahit papaano, sa partisipasyon ko sa Music Ministry sa pangkalahatan, mukhang may napapala ang konti kong pangungulit para sa mga kailangang ayusin.

nakakarami ako ng gamot at sayang na araw na pwede sanang mag-date o mas mag-enjoy sa pagtambay. buti enjoy pa rin naman ang Friends pag kasama si mhaelord at nalilibang din ako ng series pampaantok. sakto yung spare na speakers ng ate ko kaya mas komportable na akong nakakanood dahil yung SLI PC na ang gamit ko.

at salamat din sa hindi na ginagamit ng tv nina ate, may tv na sina mhae sa kanilang nilipatang apartment sa taas ng dati. pagkatapos ng iba’t ibang ayos, ng mga gamit na karamihan pala’y galing dito sa amin at kina tita, umaaliwalas lalo ang lugar at mukhang tatagal sila doon nang maginhawa.

pagkatapos ng paggagamot ko mukhang kailangan kong maglinis ng mga kalamnan ko sa pagkain ng mas maraming gulay. mukhang hindi kami nakapag-ramen nights ni jeff nang matagal. subukan siguro naming mag-veggie ramen sa susunod. kailangan ko ring ayusin na ang aking routine kasi humihina lalo ang katawan ko. eto na naman tayo sa better me project. darating din tayo dun, sa malinis na masiglang katawan at kaluluwa para buong-buo ang buhay.