naka-20 na buwan na kaming kami pero yung sayang dulot niya, mula pa noong halos bago pa lang kaming magkakilala. bale plus 2 months.
sa loob ng dalawang araw, disyembre na. patapos na rin ang 2013. malaking bahagi ng taon, magkahiwalay kami physically pero parang naging mas-close nga kami. salamat sa skype.
ngayon, hindi na startup program sa desktop at netbook ko ang skype. tingin ko, transition phase pa rin itong mga araw na ito pero mukhang nagagawa namin nang tama. mapalad ako na hindi kontrabida ang mga magulang ko at magulang niya at kahit sinong tao sa paligid. ngayon lang pala ako nakaranas na walang kontrabida.
sa nagdaang mga linggo, sa choir at sa trabaho, medyo lumalaki rin ang mga responsibilidad. kakaiba, mas mabigat ata ang mga pangyayari sa choir. mabigat sa loob pero tiwala lang sa Diyos, maaayos din ng mga taong may kailangang ayusin ang dapat nilang ayusin.
at sa Pilipinas, kailangan ng konti pang dasal para makuha ng bayan ang lakas para maayos ang mga istruktura at damdamin na nasalanta ng bagyo at lindol. sakin naman, mukhang kailangan ko ng konti pang dasal para maayos ang sarili ko para mas makatulong sa kapwa.
kailangan ding matulog. susundo pa ako sa DLTB nang madaling-araw. aakapin ko ang isang taong bigay ng Diyos sa akin na nakapagpasaya ng nagdaang magdadalawang taon.