Tuesday, July 30, 2013

ako si number 7

sayang, hindi ko nasabi noong MOS na ako si 6.9. rounded-off, 7.

bago matapos ang hulyo, 6.9something months na ang nagdaan sa taon. ano ba nangyari sa nagdaang dalawang buwan? kailan ba huli kong update?

ang naaalala ko, hindi ko napunan noong nagdaang hunyo ang panata kong pangungumpisal nang isang beses kada buwan. pero hindi ibig sabihin na hindi ko kinailangan. hindi ko lang talaga nagawa. bukas, huling araw ng buwan, dapat magawa ko. sana makatulog nang maaga para magising. greenbelt chapel. tamang-tama, pwede kong isimba ang isa sa dalawang pares ng mga bago sapatos.

tinutuloy ko na ba ang overhaul sa buhay ko? ilang linggo ko na ring hindi nagagamit yung neo netbook ko dahil nabalik na at ginagamit ko na ang ion2 netbook na ininstallan ko ng windows 8.1 preview. nabuo at nagamit ko na rin (hanggang masira ang avr na kailangang ipa-warranty sa lalong madaling panahon) ang sli “rebuild” pc.

medyo mas naka-organanize na ang mga kalat kong box ng sapatos at pc parts dito sa kwarto ko. parang ang sikip talaga pero lumuwag na rin dahil sa paglagay ko ng sli-pc sa drafting table. redesignated na siya, at para hindi na rin malagyan ng kalat na hindi maayos. sa kasalukuyan nga lang ay andun ang mga damit kong pambahay at panlaro. sa mga darating na araw, kailangang linisin at gawan ng sistema ang aparador ko.

napunta ako sa Leyte at Cebu para sa trabaho. napunta ako sa Aklan at Capiz kasama nina raymond para magbakasyon. oo nga pala, isa sa mga highlight ng June ang pagpunta dito nina raymond at ninong raul. masayang bitin. medyo nakakaiyak din dahil sa pangungulila.

ang sarap magbalik-tanaw minsan. sana mas madalas kong nagagawa para paglipas ng ilang taon, makaka-random flashback ka. (nanghihinayang pa rin ako nang konti sa pagkawala ng backup ko ng blogs ko sa multiply.) kaso nawala na sa akin ang habit ng pag-blog, lalo pa’t pang-sariling pagbabalik-tanaw na lamang ito at hindi pa parang noong nagsimula ako. may facebook at twitter naman na para sa pagpapapansin.

di na rin naman ako kailangang magpapansin. may paborito naman akong papansin sa akin bukod sa mga magulang ko—ang minamahal ko. ayun, hindi pa ata ako nakaliban sa pag-email bukod sa noong wala talagang internet access noon andun ako sa kanila.

ang sarap isipin na nagkasundo kaming hindi dapat aabot ng 48 hours na hindi kami magkikita sa skype, pero madalas, hindi nga umaabot ng 24 hours.

ang galing, yung daloy ng pag-iisip ko sa freewriting kong ito, present, past, tapos future. future. kinabukasan. ang gulo pa rin ng kwarto ko. may mga kaguluhan pa rin sa aking sarili. buti hindi nawawala sa akin ang pagiging positibo. parang ganun nga ata ang natuklasan ko sa sarili ko noon, bilang si number 7. pag-asa. mukhang mas masaya ako bukas. dapat lang.

+