happy Easter! natapos din ang mga practice at ang Chrism Mass at Triduum Mass na pinaghandaan nang isang buwan. masaya. isa nga naman ito sa pinakamasayang araw sa taon. sumakto din, huling araw ng buwan. pang-happy ending talaga.
nakakapagod pala talaga yung Marso. mga practice para sa Chrism Mass, kasama dun ang paglampas sa babaan sa Guadalupe, mga paghahabol sa oras pero halos sakto pa rin ang datin, at mga enjoy na kainan at bonding kasama ang SMC. mga practice sa joint choir kung saan tingin ko naging mas kakilala ko na ang taga-ibang choir, at least yung mga tenor.
sa trabaho at sideline, nag-level up din ang pressure pero tila kulang pa rin ang tulak. nagpapasalamat din ako at natapos ko kahit papaano yung pagtulong ko dun sa mga mapuan sa thesis nila. medyo ok din na na-extend ang deadline sana namin ni tristan nang mga isang buwan pa. sa martes na sana. at kahit papaano, mas may nakikita kaming progress kahit marami-rami pang kailangang gawin at ayusin.
wala masyadong activity sa pagbabanda dahil sa mga na-cancel na jam session. tinanggihan ko rin ang alok na sumubok sa MaHaSa dahil hindi ko talaga kaya. pero nakakatuwang maimbitahang mag-audition. inaantay ko rin yung isang project na velvet revolver coverband. naaalala ko tuloy yung mga panahong andun yung drive namin nina Thad para mag-banda. medyo nabubuhay naman sa pag-aaya nina Goey at Dogi. sana matuloy. medyo mababakante na ako dahil tapos na ang mga mabibigat na choir practice. level up na uli yung ibang avenue ko ng musical expression.
at speaking of level up, tuluy-tuloy lang ang pag-level up ko sa nfs world at umabot na uli ako ng 1,800,000+ igc sa pa-treasurehunt-treasurehunt lang at konting hot pursuit at team escape. sakto, easter sunday game gift, aston martin dbs. bond car. hindi ko pa lang napapalitan ng kulay. at naadik na rin ako sa candy crush. naimpluwensyahan ng mahal ko at naging pamparelax (at pang-distract) ko habang ginagawa yung school project. at dahil ok na ngayon yung project, guilt-free na ang paglalaro. inaantay ko na lang ang tickets sa next episode.
ang hindi ko lang masyadong naayos ay kung saan ko ilalagay ang rebuild-pc. nabuo ko rin matapos ang challenging purchases. kulang na lang ay usb switch at isa pa sigurong avr para mas madali at mas madalas magamit. tigil muna sa paggawa ng pc. basta alam ko na ang next project. next year na siguro o bandang dulo ng taon—amd apu-based build. may case at dvd writer na ako para dun. isa pa palang kailangang gawin sa lalong madaling panahon, ipagawa ang ion netbook nina ate na akin nang na-arbor. ayun, mas maja-justify na yung i-o-offer kong bawas sa kailangang ibayad sa akin.
repair na naman. buti hindi na kailangang i-repair ng xperia pro ko. pagkakuha ko matapos ang mahigit isang buwan sa service center, laging nagrerestart. buti nung binalik ko isang linggo pagkakuha ko, naayos naman sa software level at hindi na ako nagbayad. baka bigyan pa nga ako ng additional warranty period. bale pangatlong IMEI ko na ito at tila refurbished board pa dahil mas mababa sa original IMEI. yung unang palit, mas mataas kaya baka bago pa yun nun. owel, basta gumagana. nakakaaliw din kasi itim na yung takip ng hdmi port. medyo halatang narepair na.
ilang beses din sa nagdaang buwan, nabuhay muli ang ugnayan sa mga kaibigang nakilala nung college. sulit ang paglalakad ko mula libertad taft hanggang pasong tamo para dahil sa prusisyon para makarating nang medyo on-time sa pagkikita namin nina Reggie, Deo, at Dei. ligaya ko ang makipagtitigan sa nakadilat na buwan. sakto, full moon noon. at nasimulan ko na uling makaugnay sa facebook ang mga SCA friends ko. hindi ako makapaniwalang wala akong ka-facebook sa kanila. nakatulong din siguro yung involvement ko sa choir dahil naalala ko sila. at ang una kong naka-catchup at si Pau na dating miyembro ng choir nina Kuya Yet.
marami palang hirap, pag-aayos, pagbabalik-tanaw, at pag-unlad nung nagdaang buwan. pero kinaya. prayer and song. sakto pala, nitong buwan ko napanood uli yugn sound of music. kasama ko ang SMC nun at si Jed na sana’y natutupad ang panalangin. at kasama ko rin pala ang SMC nung anniversary namin ni Mhae. may pagka-sakto nga yung kantang With A Smile, hindi lang sa relasyon namin ni Mhae kundi pati sa mismong buhay ko. sana lang maabot ko na yung mga nota.
sa darating na buwan, ang kailangan ko namang abutin, driver’s license at mas marami pang oras na bonding sa nanay at tatay ko. sayang naman yung hindi pagka-busy. at siguro malagyan na ng progress yung recordings namin ni Mhae (at pagnood namin ng walking dead). salamat po Panginoon sa pagligtas sa amin at sa mga biyayang nararamdaman at hindi napapansin. panalo Ka talaga. +