Monday, December 31, 2012

part 2 blog post before the year ends

i realized i just wanted to blog about acquisitions and achievements this past month.

first up, my mother and father have new phones. MyPhone A618 TV duo. android phones. mama has a white one and papa a black one. mama’s is a gift from ate and me and papa’s is a gift to himself from his bonus.

buds got ate a white iphone 4s. they too have matching phones.

as for me, i have a broken phone and no plans to change it soon. maybe in a year or more. i also got to fix my old elm which had a sim card detection problem that led to getting mama a new phone. i didn’t get to retrieve her phonebook, though.

acquisitions and achievements, i got myself a working second hand i5-760 and 2x2gb ram and installed them successfully to adette’s supposed evga p55 sli board. i bought a coolermaster vortex plus for it and are now in yonni’s desktop’s case. it’s in need of a proper power supply to run the board and the 2 9800gt’s—one is yonni’s old card and the other, salvaged from miro. yonni’s broken(?) core 2 duo board and cpu are here with me. haven’t really checked it.

with yonni getting himself a ps3 earlier this month and his sisters a 360 with kinect for Christmas, i think an sli rig is but fitting in their household.

in nfs world, i got back to playing the treasure hunt after breaking my 60-day streak last october in favor of a wonderful time out of town with mhae and her family. i broke my streak a couple of times and i’m now in a 9-day streak (i think).

fun thing about that game, it reminds me of how i spend time with mhae on the phone before she left. she had my netbook and she played plants vs. zombies or zuma while i played world. and the t-mobile billboards ingame are a fun reminder of her work at startek. i also realized t-mobile ads in hor pursuit. i now launch hot pursuit in steam so i can get screenshots.

back to world, december got me free cars, the lancia delta and the nissan gt-r vspec. and also back to racing multiplayer. but i still haven’t gone past my 69 wins. just more losses. i’ve also saved for a murciĆ©lago. too bad, the yellow (default color) lp-640 hardtop got retired in october. i decided that i’ll be getting the lp-650 roadster. i’ve saved up a few days ago. will get it tomorrow. new year, new ingame car

ah, games. i guess since i haven’t been spending time in movie and dinner dates, i got more time to game. and slack around. and fix my room. ah, yes, my room. its cleaning up is still in progress. good luck to me.

trivial things. small things matter to me. i guess that’s why bigger things matter greatly. oh, and before i forget, i haven’t tweeted since a few days ago. that’s so i’ll close the year with 669 tweets. twitter achievement.

and it’s time to have new year’s eve dinner. new year in an hour and a few minutes. thank you again Lord for 2012.

hindi nagunaw ang mundo ngayon 2012

pero baka natapos nga at nagsimulang panibago ang mundo ko. di ko inakalang magiging ganun ako ka-busy sa mga araw na parating ang Pasko. at kahit pagkatapos. pero hindi gaya noong nagdaang mga taon, abala ako sa choir, hindi sa trabaho. kung tutuusin, pa-easy-easy na lang sa opisina. hala, lagot pagpasok uli. pero di bale, mas kakayanin.

hindi lang sa nagdaang mga simbang gabi at sa kasalukuyang panahon ng Pasko ako naging busy sa choir. sa buong taon. at nitong nagdaang mga linggo, napansin ko kung gaano ako kapalad na makasama sa SMC at kung gaano ko nais maging biyaya sa kanila. may mga kahinaan ang choir, may kani-kanilang lakas ang mga kasapi. konting tiyaga at adjust, tingin ko, kayang maging mahusay ng choir. mahusay naman na ang grupo sa ibang bagay. konting ayos pa sa pagiging mahusay na choir.

sayang, wala si mhae. may impluwensya din kasi yun. naaalala ko, sinabi ko sa kanya na tutulungan kong alagaan ang choir na isang napakahalagang bahagi ng buhay niya. bukod pa sa pagiging messenger sa pagitan niya at ng pamilya niya dito.

natutuwa ako sa presence ni mhae sa choir. kahit papaano, nakasama siya sa Christmas party. kasama namin siya nung nagbabalot kami ng mga regalo para sa mga bata. at naging matangumpay naman ang gift-giving. ang pinanghihinayangan ko ay hindi ko nabigyan ng regalo yung epeleptic na andun. at syempre, na hindi namin kasama si mhae sa mismong pagbibigay ng regalo.

maraming nangyari sa buwang ito na nagpaalala sa akin ng nagdaang taon. sa Christmas party ng SMC, tumugtog kami nina jonathan. hiniram ko yung amp ni dogi, yung floor tom at snare drum, at yung mic. nasa akin na rin ang mic stand, triple guitar stand, at ang bass amp ko. bukod sa SMC isang taon din pala akong na-involve sa Tinola. hindi na lang kami nakaka-jam nitong mga nakaraang linggo pero andun pa rin yung pakiramdam na kasama ka sa iang banda. yung reunion namin nina dogi, hindi na natuloy. hindi ako nakakasama sa jam nila ni thad at balky pero umaasa pa rin akong makakasama ko uli silang tumugtog.

at itong desktop ko, isang taon na pala ito. tingin ko may sablay ako sa pagkabit ng cpu cooler pero umaandar naman siya nang maayos. hindi lang siguro best temperature performance. napupuno na rin ang HDD kaya napa-backup ako ng mga movie download na naging libangan namin ni mhae lalo na niya. nakakapuno rin ng harddrives yung mga nirerecord ko pag practice ng choir at ng banda. malaki rin ang space ng mga picture at video na kinukuha gamit ang phone ko.

aba, malaki rin pala ang serbisyo sa akin ng xperia pro ko. kailangang mahanap ko na ang resibo para maipaayos ang nasirang saksakan ng earphone/speaker. sira pala, kaya nahirapan kaming walang accompaniment nung carolling. mag-iisang taon na tong phone ko bago matapos ang Enero.

nagpapasalamat ako sa nagdaang taon. puno ito ng musika. panalo talaga si mhaelord, napilitan akong mag-record. sinimulan niya kasi sa nakakatunaw ng pusong music video para sa monthsary namin gamit ang audacity at windows movie maker. ako naman, ginamit ko ang naka-setup na mic dito at yung b2.1u ko para magrecord ng kanta para sa kanya. ang laking bagay ng musika sa buhay ko. salamat sa Diyos at binigyan ako ng kasintahang mahalaga rin ang musika sa kanya. at salamat sa Kanya na ginawa akong techie at sa kalagayan namin na madaling mag-communicate gamit ang internet.

at salamat sa mga magulang ko; sa nanay ko na inaalagaan ako pag may sakit, lalung-lalo na nung umuwi akong lasing (at nagsuka sa jeep) pagkagaling sa Christmas party; sa tatay ko na kahit nahihirapan na, tuloy ang kayod sa hanapbuhay para mapanatiling maganda ang kalagayan ng pamilya. salamat din sa ate ko na kahit may sarili nang pamilya, hindi pa rin nawawala ang pagiging kapatid sa akin at anak sa mga magulang namin. at kina tito nonong at tita chato at sa mga pinsan ko at sa lahat ng mga kapamilya ko.

hindi nagunaw ang mundo sa taong ito. pero natapos at nagsimulang muli.