bonifacio day. walang pasok. halos wala ring trabaho para sa akin para sa project sa fort bonifacio. nakakatamad. hindi ako masyadong pagod sa mga nagdaang araw pero hindi pa rin ako ganadong gumawa nang maliksi.
hindi pala ako nakapag-blog nang mahigit isang linggo. ano bang nangyari mula noon? ang naaalala ko, naka-isang mapagpahingang weekend ako. noong lunes at martes, pagod-pagod sa paghahabol sa B2 at nagpunta pa akong site. katunayan, kahapon, balak kong isuot papasok ang safety shoes ko pero pagkasuot ko, nagkalat ako ng semento at buhangin sa sahig dito sa kwarto ko.
noong martes ko rin nakuha ang bluetooth headset ko na natuklasan kong hindi pala pwedeng pang-music playback kasi walang A2DP(?) nalaman ko rin ang gamit noong spec na yun. ok lang naman dahil tila nasusulit ko ang pagtawag at pagtanggap ng tawag salamat sa sun. buti pwedeng multi-point sa dalawa kong selepono.
hassle lang din, nagkamali ako noong sinubukan kong tawagan si mama. dahil naubusan ng baterya yung handsfree, binaba ko na rin ang tawag. sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, muntik madisgrasya si mama. buti sugat sa bandang siko lang. sobrang pasasalamat ko sa Diyos na hindi siya napahamak. nakakapanghinayang lang din, halos wala akong magawa para makabawi.
pa-easy-easy lang noon miyerkules at huwebes sa opisina. umuwi pa nga yata ako nang maaga-aga noon. noong biyernes, nakalakwatsa kami nina arianne, cesar, at ailene. nakakatuwa dahil may bagong recruit sa gala at panalo ang taste ni ailene mula pizza, pasta, hanggang yogurt.
nakarami rin ako ng tulog nitong weekend. wala gaanong pressure galing kay danilo pero may utang pang trabaho. mukhang maayos naman ngayong ang pinoproblema namin mga poste pero mas maganda sana kung naagapan agad at hindi naging problema sa site.
nakakuha kami ni kuya beboy na magkita at kumain sandali noong linggo bago ako magsimba. noong lunes, naupakan nina jj ang piyaya. buti may natira pa sa akong isa.
marami-rami ring nangyari at napala sa dalawang araw na pasok at masarap magpahinga ngayon. sayang lang at may mga pinasa pa kami kaya hindi kami nahintay nina cesar at linette kaya kami na lang nina tristan at arianne ang kumain sa mang inasal. nagkape na rin kami ni arianne habang pumunta na sa tagaytay si tristan.
dahil ginabi ako, hindi ako nakatulog hanggang kaninang mga 5:00. sana makapagpahinga nga pero sana may mga magawa ring kapaki-pakinabang. home alone ako ngayon, nasa kwarto, nakaharap sa pc. baka bukas o sa biyernes, may mga bilhin akong part. psu siguro. nagugutom ako,