Tuesday, March 31, 2009

advanced celebration

matagal ko nang naisip na kung may makakapagpangiti sa akin, siguradong makapagpapasimangot din. napaaga yata ang april fools day.

Saturday, March 14, 2009

3 years of safety

tatlong taon na mula nang maligtas kami mula sa sunog. ayun lang tungkol dun.

march 11, medyo nasira nga ang aking routine. bumalik ang "challenge" sa buhay. nasira kasi yung system nitong pc nung 10. ok na siya ngayon maliban sa system restore.

may bagong bluetooth dongle at webcam ang pc ngayon. regalo ko sa kanya dahil ok na siya. haha. ubos na naman sweldo ko sa susunod na buwan. napupunta kasi sa ipon. teka, magandang bagay pala yun.

ayokong mag-withdraw dahil na rin may 69 sa account ko. mali ang diskarte ko nung sabado sa pera. napabili ako ng mga blank dvd nung nagpunta kami ni michelle sa parksquare habang nagpapalipas siya ng oras at ako naman at nagpapa-late sa usapan. buti sanay na si yaluts. kasi naman, dumarating na sa oras. hehe. buti kamag-anak ko si venjo. late din pero nauna pa rin sa akin. partida, bahay ko na yung meeting place.

nilibre ko pa kasi sila ng shawarma rice pagkatapos mag-futbol. nakakapagod. kulang pa rin pala ako sa stamina. pak. naalala ko, kailangan ko pa palang bumili ng futbol gear. tapos malapit nang mag-summer vacation season. gastos. pero ok lang naman siguro. for good clean fun and sports naman, e.

parang yung weekly basketball. kasali si sir edwin kagabi at buti good mood. medyo na-impress ko pa sa aking depensa. wala talaga kasing opensa. buti rin sampu kami. hindi na nakakapagod masyado. pero parang mas napagod nga ata ako kasi ang bilis ng laro ni sir edwin. pero ang pinakamaswerte yata ay yung hindi ako nakitang kasama ni michelle nung iniwan ko sila ni mike para mag-simba.

kung tutuusin, maraming magandang nangyari. sana ma-maintain ko next week. sana maayos ni boss dan yung proposal dun sa project ni kuya edward. at kailangan kong matapos yung mjc bukas. medyo wala na naman akong napala sa overtime kanina. ang pinaka-napala ko na siguro ay yung naayos ko yung workarea ko.