Tuesday, December 30, 2008

ensalada

umuwi nang maaga. tama. mga 6:19 AM. year ender celebration na siguro yun ng group 69. may dahilan naman siguro para mag-celebrate. sa kabila ng mga very lows, may mga very highs nitong nakaraang taon.

sa sarili ko, maraming highs. maraming magagandang nangyari na di ko maisip lahat ng hindi maganda.

sa pagpapalit ng taon, di maiiwasang mag-isip kung magiging mabuti o hindi at kung ano ba ang kailangang gawin, pero di hangga't maaari, ayoko. sabi ko nga, di naman kailangang sa pagpapalit ng taon magbago. kaya siguro hindi na ako gumagawa ng seryosong new year's resolution.

ang taon ay palatandaan ng pag-usad ng panahon. wala namang masama kung sa panahong ito magpapasalamat para sa nakalipas at magbabalak para sa hinaharap. siguro mas nagagandahan lang ako sa ideyang sa araw-araw gagawin ito. marahil mas engrande lang ang tuwing ganitong panahon.

Thursday, December 25, 2008

and so

this is Christmas. not the best Christmas of all but happy as it is.

sabi ko nga, kahit hindi naman parang Pasko sa paligid, basta ba Pasko pa rin sa damdamin, pwede na.