sa wakas, naayos na ang edsamail pero pinaginarahe na nila ang edsamail 1.4c software. pinagamit ang outlook express pero sa palagay ko, pwede naman sa ibang client. anyways, gusto ko ang convenience ng outlook express kumpara sa ms outlook. ok sana ang ms outlook pero hindi ko rin magagamit lahat ng feature. di ako organized person. isa pa, hindi ko maririnig ang "you've got mail" doon. hehe.
sa mga nakaraang linggo, na-stress ako, na-depress, nagkasakit pero sa ngayon, mukhang ok naman. umakyat-akyat ako sa malate office na umaasang babalik ang pagkahumaling ko sa organisasyong iyon. medyo huli na pala ang lahat. kung napaaga siguro, kung noong panahon ng recruitment, masisiglahan pa siguro ako.
sa ngayon, ayoko ng kompromiso. malaki ang inaasahan ng editor ko sa akin. pero wala akong makitang pwedeng asahan sa sarili ko. para sa akin, ngayon, ang pagsusulat ay hindi ko kayang bigyan ng commitment. para na rin patas. sabi ko nga, hindi pwedeng ang kompromiso. hindi ko kasi pwedeng ibigay lahat dahil may ibang bagay na kailangan ng lahat ko--acad, the perpetual conflict between curricular and axtra-curricular.
dapat nasa isang prose section meeting ako sa kasalukuyan pero pinili kong hindi simipot. sa lunes, kailangan ko na talagang makausap ang aking editor. matagal na kaming dapat nag-usap tungkol dito.