Monday, February 21, 2005

shirts

i have to admit, i like being noticed, distinct. it's the shirt.

sinuot ko kanina ang nabili kong t-shirt sa ukay-ukay. attenstion catcher sa mga ka-course ko kasi maganda ang disenyo at may nakasulat na civil engineering students' society.

sabi ni ray, pagsusuotin nya sana kami ng dilaw kasi sabi ni anina. naisip ko, isa lang ang dilaw kong t-shirt, kinain pa ng ipis, pero may isa pa pala--yung binili ko kay aj. isa pa iyon sa mga distinct shirts ko.


dumaan ako sa malate kanina para ipahiram kay ray ang handouts sa hubehor kasi may quiz kami. di ako pumasok sa mattest para "mag-aral". bumalik ako bago umuwi kasi hihiramin ko sana kay arun ang ff vii (to find out later that he texted me that we'll have the transaction tomorrow).

everyone was, "oy, jomic!" or something like that.


hindi na kami tumuloy nina james, ian, at rowel sa sine para sa film review at sa cosca kasi tinamad kami at kailangan din nilang pumasok. para rin sana makasama ako kina lica kaso hindi rin sila natuloy. nakaboto kami ni lica sa ces. astig ang hirit niya nung dumating si kevin at pinag-usapan namin ni kevin ang quiz sa hubehor: "may none of the above kayo?" i love that girl.

Sunday, February 20, 2005

concrete

friday, nag-halo kami ng kongkreto.

saturday, nagbuhat kami ng concrete specimens.

that's quite all. syempre, kasama dun ang sakit ng katawan. all in a day's work.

Thursday, February 17, 2005

absent

hindi ako pumasok kanina dahil masama ang pakiramdam ko at parang sasama pa lalo kung papasok ako. magtatawag sana ako sa mga kumpanya para sa proyekto namin ni ray kaso sobrang tamad ko kaya wala akong napala. not good.

isa pang dahilan kung bakit hindi ako ginanahang pumasok ay dahil hindi rin pumasok si lica. masama na nga ang pakiramdam ko, wala pang pag-asang bumuti kung pumasok pa ako.

takot ako para bukas. karma. naniniwala akong ang karma ay logical consequence lamang nga mga ginawa. guilty ako. indeed, there is something to fear. in comes faith.

ang hindi mabuti sa ganito kong pag-iisip ay lagi na lang ganito. things have to change. o kailan?

Tuesday, February 15, 2005

marion

let's nt talk about quiz results. they're sad.

hindi pumasok si lica sa soilmec kaya naisipan kong dumaan sa malate nang ma-bore ako sa study area kasi hindi naman ako nag-aaral. may rubic's cube doon na pagmamay-ari ng isang newbie. bago umuwi, pagkadaan sa prov, binalikan ko ang cube. apparently, mali pala ang pagkakaalala ko sa tinuro ni marion.

may ilang pagkakataon na tinatanong ko ang mga kaklase ko kung nasaan si marion. bigla kasing nawala--nag-shift na pala. (malamang nakalimutan ko lang o hindi sineryoso na lilipat siya.) kanina, habang nasa labas ako ng malate office, dinadamayan ni cara sa pag-solve sa geometric idiot puzzle, nakita kong papasok sa rehearsal room si marion. tumayo akong walang pag-aalinlangan at tinawag ko siya.

s-in-olve niya ang cube. sakto ang pagkakita ko sa kanya. kahapon lang, pinag-uusapan namin ni lica ang mga kasundo at di trip na kaklase. si marion nga pala.

Monday, February 14, 2005

happy day

bumili si papa ng telephone cable at nakabit na niya. this time, nakakabit na sa ceiling at permanente na. kaaliw, 10 ang ginamit na kable samantalang ilang hakbang lang ang layo. anyways, maayos na akong makaka-konekta sa internet.

friday's cramming

implied that i have to quit that proffesion. i'm not good at it anymore.

pareho kami ni lica noon na malas sa simula ng araw tapos medyo sinwerte habang umaandar ang oras.

noong sabado

pagkatapos kong kausapin si aleck (which took way shorter than i thought and way simpler than i planned), at pagkatapos ng matagal-tagal na paghihintay (as always), naglaro kami ni odessa ng badminton para sa malate sa spo cup. malamang, talo. pero may excuse ako. napalaro na kami at napagod pero warm up lang pala dapat ang ginawa namin. malay ko ba. minsan na akong mag-laro. isa pa, hindi talaga ako marunong mag-warm up.

the funny thing is, earlier that day, i expressed that i was to take a leave from malate.

medyo ok na ako kay odessa kahit na nakalimutan niya ang birthday ko.

kahapon

masakit ang katawan ko sa laro. night time was fun--looking for materials for a valentine's day gift. i-po-post ko sa tabulas ko at sa zorpia ko. ang akin palang pasasalamat kay rd para sa pag-scan ng mga retrato.

today

was a "what a day" day for me ayon kay odessa. natalo lang ako sa bet namin na haharanahin siya ng crush niyang may girlfriend. binigyan ko siya ng rose, nanood kami ng sine, bumalik sa school para sa harana nila at binigay ko sa kanya ang regalo ko, at nag-lunch (nang mga 5pm). sabay silang umuwi ni jhude and i kissed her "goodbye, till tomorrow."

may post ako tungkol sa rose adventure ko sa avocados.

anniversary nina mama at papa

ngayon kaya umuwi ako kaagad at hindi na sinamahan si lica pauwi. i have yet to "accomplish" that. ang aming paboritong family fastfood food - kfc - ang handa at kasama naming nag-dinner si budoy.


may concert bukas at may mga bandang trip ko at interesado ako sa iba. medyo masama lang ang pakiramdam ko. parang hihikain ako. siguro dahil sa semento nung friday o sa badminton nung sabado. (nakakapagod pala 'yun.)

parang friday ang feeling ang araw na ito lalo na sa school. fun occassion nga ang valentine's day sa dlsu. at ang valentine's day na ito ay mahalaga sa akin.

Saturday, February 12, 2005

avocado dialogue

wednesday, ash wednesday at chinese new year. pero may isa pang kaastigan.

sa labas ng um, sa ice monster, bumili si lica tapos ito ang narinig ko pag-alis namin:

babae: may avocado kayo?
tindera: meron.

hindi sila magsasara.

Thursday, February 10, 2005

3 down... 4 down, 1 more to go...

kahapon

hulaan sa relstri pero ok lang. kasama naming kumain si gelo at nag-reminisce kami ng high school days pero siya ang makwento. dahil ash wednesday, wala akong balak kumain ng meat kaya buti na lang at may sea food chow fan. masaya ang lunch kasama sina lica, gelo, jeff, vicky, sheila at george. somehow, na-mi-miss ko sina reggie, ray, atbp.

pagkatapos ng matagal na lecture at medyo matagal na expt. sa soromla, nagpasama muna si lica sa ice monster. pagkabili niya nangyari ang avocado dialogue of the day/week/month/basta.

hindi religious si lica kaya hindi siya nagsimba pero ako, nagsimba nang 5:30 sa pgp chapel bago umuwi. umuwi na si lica bago `yun.

palabas ng campus, nakasalubong ko si ray na may dalang plastic. nanggaling siya sa ukay-ukay na apparently, ang lagi kong nadadaanang rtw store--ang dating ly ming. (miss ko na naman ang special chicken.) dumungaw ako pagdaan ko doon at nakita sina pearl at loi. long time no see. napabili ako ng itim na t-shirt ng civil engineering students' society ng isang school na hindi ko maalala o ma-pronounce ang pangalan. hindi ko binili ang puting ocean park shirt na may panda. nagtitipid. tsaka na lang.

medyo napagsabihan ako ng nanay ko pag-uwi tungkol sa sakit. we settled it though.

pag-uwi, kumain ako ng fita para fasting at nakatulog. hindi na ako nagising para gawin ang para sa matesla.

kanina

nagising ako nang mga 2AM, nagutom, nag-internet, natulog uli. bale hindi pa rin ako productive.

pumasok ako sa soilmec nang halos walang alam at nag-quiz na umaasa.

matagal na akong hindi umaakyat sa malate. medyo uneasy ako. ang mabuti kong napala, natulungan nang kaunti si pearl at loi sa stat, natulungan si loi sa paggamit ng calcu, at nakakuha ng ilang quotes mula sa kanya.

"that's a stick. it's wood. it hurts."
"na-detopak ni jomic calcu ko."

struct2 was quite fun. naaaliw ako sa mga lesson pero kanina, sa notes ko ako naaliw. sa maigsing salita, tipid. (sa totoo lang, isang salita lang, `yun.)

pag-uwi, dahil medyo busog pa akong pumasok at nagtitipid ako, nakaubos ako ng anim na medyo maliit na monay (isang pack) at nagpaluto ng instant pancit canton. (nagpaluto. sori, hindi ako marunong magluto. i wish i did but certain circumstances and stuff hold me back.)

sa kasalukuyan

wala pa akong nagagawa sa actual report sa matesla. manyana. hindi ito maganda. at this rate, i'll probably need coffee and sleep all day on sunday.

which reminds me... valentine's day na sa lunes at anniversary nina mama at papa. occasions, occasions.

kapagod. i'll be cramming soon--i'm a professional.

Tuesday, February 08, 2005

2 down

maayos-ayos ang quiz kanina sa struct2. bukas, relstri at soromla naman.

nagpa-develop ako kanina. may sobra na namang dalawa. may badtrip na kuha kasi mababa nga pala ang shutter speed tapos lumingon ako. ghostly na hindi astig. okay lang. may magaganda namang kuha, e. hahaha.

1 down

07 february 2005

4 days to go. hindi valentine's day countdown. marunong pa naman akong magbilang. ito ang sched ko this week:

monday - recitaion sa mattest at relstri
tuesday - quiz 1 sa struct2
wednesday - quiz 1 sa resltri at pasahan ng experiment 3 report sa soromla
thursday - quiz 1 sa soilmec
friday - pasahan ng 1st report sa matesla at concrete design experiment

saturday ain't no big deal for me, really. pero sa totoo lang, ayoko lang isipin. deadline para sa third issue at araw na magpapaalam ako pansamantala sa malate. siguro kailangan kong ipaalam muna kay aleck. bahala na. naalala ko ang nawala kong ballpen. symbolic pala.


kagabi, kausap ko sa cellphone si odessa. nagkwento tungkol kay peter. hindi ko alam kung masaya ako para sa kanya o ano. in the long run, siguro magiging masaya ako para sa kanya. i miss our times together, though.


hindi kami nakapaghanda nina james, ian at rowel ng ice breaker para sa rels. buti na lang, sa friday pa.

maayos naman ang takbo ng dalawang recitation. maayos... mas akma palang sabihing maganda. i haven't felt this good about a small thing regarding my classroom life. may mga parating na problema lang gaya ng hubehor project na wala pa kaming nagagawa ni ray.


saturday is going to be fun. magsisimula ang araw kasama sina odessa, reggie, arun, anina, at cara sa spo cup. sa hapon, huling meeting sa malate for a while. then i contradict my previous statement. saturday will be a big deal. pero di ko pa rin kailangang isipin. iyon ang punong dahilan kaya ako magbabakasyon muna sa malate.

Sunday, February 06, 2005

hectic week

ang darating na linggo kaso tila wala pa akong nagawang kailangang gawin. tulog nang tulog. haha. masarap matulog, e. para kasing ang dali ng mundo. kapag maganda ang panaginip, kahit hindi totoo, ayos lang. kung pangit naman, iisipin mo na lang na panaginip lang at ok na ang lahat.

Saturday, February 05, 2005

tsugi

akala ni dustin maba-badtrip ako pero kabaliktaran. syempre, di ko maitatanggi ang discomfort ng sitwasyon but it was a learning experience and fun. "take the good along with the bad."

kaso may plano akong hindi nagawa. na-point out kanina ang lack of confidence ko sa pag-kwento kaya hindi effective. funny. in the call for me to boost my confidence, i lost it. not in writing but in quitting writing. hindi naman talaga quit kundi pagpahinga lang. priorities ang salitang gumagabay. isa pa, parang ganito ang tanong: paano kung hindi mo na siya mahal, ano ang gagawin mo?

boring party

kagabi, sa halagang P200 na binigay sa akin ni ate, nagpunta kami ni lica sa isang boring na party. i'd bash some people (yung mga organizers at yung nagpunta) but i want to be constructive. wag na lang.

Thursday, February 03, 2005

ang pagkawala ni victor ramos

ang sama ng araw ko at ang sukdulan, nawala ang parker ni victor1. no big deal. wala namang tinta yun at hindi naman akin. masaya pa nga ako na hindi yung akin talaga ang nawala. pero ang sama ng pakiramdam. ayokong nawawalan ng bagay. nawala pa sa jeep kung hindi habang naglalakad ako. wala pa akong masisi. kahit sarili ko, hindi ko masisi. basta, badtrip.

maaga pa naman akong nakauwi. maaga pa. sana bumuti ang araw ko bago matapos ang araw. subukan ko nang hindi natutulog. usually, iyon ang sagot ko pero ang nangyayari, late akong nakakapasok kinabukasan. hehe.

bukas, excited ako para bukas (maliban sa bounce-bounce music). hindi ko pa naman nakita si lica ngayon.


1parker na naiwan dito tapos inarbor ko tapos nawala pero nasa kwarto ko lang pala the whole time.

Wednesday, February 02, 2005

it's settled then

pupunta kami ni lica sa thebridge party sa friday. palibhasa may bonus. sana pumunta si dogz at si cholo para at least may dalawa akong kabarkadang makikigulo. pero ayoko talagang pumunta. 2 reasons:

1. gastos
2. walang banda pero may dj--expect bounce-bounce music1

kapag nagkukuwentuhan kami ni lica, iba ang pakiramdam ko. hindi ko maipaliwanag kaya susubukan kong gumawa ng base equation:

good + bad = good

anlabo.

hectic days are upcoming and the mood's going. i feared this would happen. kailangang hawakan ang kapalaran!



1 bounce-bounce music - tawag ko sa dance music, [bulok na] hiphop, at [bulok na] RnB