Saturday, December 25, 2004

it's christmas day today

and i'm quite happy. quite happy just doesn't fit one of the ideally happiest days in a year. it's just that i'm sick and depressed about stuff. (when i 'said' sick, i meant that i have asthma and that i'm hating something.) anyways, as long as i'm happy at least, it's a good thing.

i just recalled, i managed to complete the nine days of dawn masses. cool.

i'd rather say happy than merry. happy means something general, something outside and inside. merry, well, for me means that it's all about the celebration.

Happy Christmas to all!

Wednesday, December 22, 2004

reminder

noong november 24, sa tapat ng sports complex, sinabi ni niño noong nakita ko siya habang papunta kami ni reggie sa greenplace na manlilibre siya sa graduation niya sa marso.

morning morning

ako'y nasa harap ng pc ngayon ngunit walang magawa. iniisip ko sa kasalukuyan kung ilalagay ko na sa salita ang aking psychological analysis sa aking sarili. pero ayoko. medyo nakakatakot kaya ang maging sobrang (matalino? hindi) mapag-isip. sabi ko noon, i hate surprises. pero siguro, masyado lang akong sanay na masagot ang mga tanong.

good morning.

Tuesday, December 21, 2004

term ender

struct1, 4 units, 3.0; cemetre, 3 units, 3.0; envieng, 3 units, 2.5. akala mo ok na? hindi. hydrolo at engecon (take two), 3 units each, 0.0.

hindi ako pinagalitan ni mama o ni papa pagdating ko sa bahay. pero bandang hapon, si lica ang nangaral sa akin.

naisip ko kagabi ang trauma ko. maraming mabubuting nangyayari sa akin pero hindi ako ang may gawa. kaya ako isang dakilang tamad. i'd expound further but i got the colds. at takti, medyo hirap na hirap na ako. medyo lang. hindi nga ako makalabas at magpunta sa luneta para paglaruan ang frisbee (ok, nakalimutan ko spelling) na bigay ni dandi.

naka-anim na ara na ako ng simbang gabi. um...er...araw...gabi...anyways... malapit na ang pasko.

Wednesday, December 15, 2004

madalas, tatlo ang tokneneng na kinakain ko

dalawang araw ko nang hindi nakikita si lica.

humingi sa akin ng pabor si odessa. gusto niyang igawa ng picture message yung crush niya kasi iginawa siya nito. may picture editor ang cellphone ko. nagkita kami pagkatapos kong mag-exam kaya hindi ko na nasabayan si lica pauwi. ok lang para bukas, sasabihin kong na-miss ko siya (kahit lagi ko naman siyang na-mi-miss kapag hindi kami magkasama). medyo matagal (tatlong oras yata) ginawa ni odessa ang picture message para kay 5letters.

sa ls, nakita ko si dipon sabay natanong pa niya kung girlfriend ko yung kasama ko. natawa na lang ako. umuwi na yung girlfriend ko. nalungkot ako bigla. (ok, nalungkot uli ako.) nakasaluong namin si george habang papunta sa dorm ni odessa. nagkaroon siya ng ideya na baka nandoon pa sa engwalk yung crush niya kaya niyaya ko siya. nakita ko rin kasi si jacq nung nasa may enggate na kami.

pinakilala ko sila sa isa't isa. nakakatuwa na pinapakilala ko sina jacq at deo pero pareho silang babae sabay pag pinakinggan mo, hindi. nakakatuwa rin na napagkilala ko ang dalawang nakaraan.

papunta sa dominga, kumain muna ako ng tatlong tokneneng (P2.00 per isa). papunta sa jeep, nagtext si yonni. nakasabay ako kina adette pauwi. net savings = P4.00. ready na kaya ako para sa engecon sa friday?

defense sa cemetre bukas. pasahan ng quiz 3 sa hydrolo sa friday tapos defense din. tapos exam sa engecon na kailangan ko ng mga 70-75 para pumasa. magsisimba ako ngayon at sana magawa kong magpakabait at pagpalain.

napansin ko, may significance pala yung tatlo. hehe.

Thursday, December 09, 2004

mga realization ng mga tao

napansin ng kaklase ni rose na ang tawa niya ay dalawang ha. ganito: "haha." may period. as in period. i have to emphasize the period.

dumaan sa bahay si reggie, kahapon, wednesday ng gabi. bukas ang tv at palabas ang lovers in paris. napansin niya na kamukha ni arun ang isang character (na napag-alaman kong nagngangalang martin). tinext namin si odessa at ibinahagi ang aming natuklasan. haha. (parang tawa ni rose.) nabadtrip si odessa kasi crush niya yun. haha. hatinggabi, online kami ni odessa. ang status message ko as ym: "therefore: crush ni odessa si arun"

ok. kumonekta nang walang kahirap-hirap ngayon.

i-po-post ko sana:

paker. ang hirap mag-connect sa internet.

kaso hindi makaka-send ang edsamail software dahil hindi na-a-access ang proxy.

Tuesday, December 07, 2004

plot of events ng panlilibre ni masi

plot of events ng panlilibre ni masi

taxi ride papuntang quad kasama ni lica at jeff. napamahal na naman ako.

paghihintay sa quad kina masi, sheila at patrick na napatagal dahil sa taxi.

timezone kalaro si jeff sa vampire night at air hockey.

namintis yung stuff toy sa claw machine. 12 pesos na lang ang laman ng powercard ko.

dumating silang tatlo. malapit nang mag-7:30. 8:00 susunduin si lica sa baliwag malapit sa st. scho.

babawi na lang daw si masi.

naghintay kami ng taxi malapit sa sakayan ng pasay road - libertad.

nilibre ako ng squidball at naghintay kami sa labas ng hotel na hindi ko alam ang pangalan habang kumakain ng squidball.

naglakad kami sa greenbelt at nasakay na rin sa wakas pagkatapos ang kalahating oras yata.

bumaba kami sa dominga at sumakay ng jeep.

ang ganda ng girlfriend ko.

nakita namin si seres/ceres (ano bang spelling?). "bye. ingat."

sumakay ako ng jeep kasama ni ceres.

umuwi na ako.

Sunday, December 05, 2004

last week hanggang next week

friday last week, medyo lasing pero astig kasi gago pa rin.

weekend last week, sabog at masama ang pakiramdam.

monday, walang pasok, walang ginawa.

tuesday, monday schedule sa school at isang gabi ng cramming.

wednesday ng madaling araw, natapos ang LiTaw semi-entry.

wednesday ng maghapon, fieldtrip. may na-miss ako.

wednesday ng gabi, inspired para sa engecon quiz3. salamat sa aking inspirasyon. kinailngan ko siyang makita at nagkita nga kami.

thursday, maaga akong nagising. walang pasok. sleep all day.

friday, wala pa ring pasok. may na-mi-miss ako.

kahapon, orient2, half boring. ok lang kasi magkaklase kami ni lica kaso bakit kami hindi magkagrupo.

kahapon, nakita si dogi sa school na naka-semiformal.

kahapon, na-eliminate sa spo cup basketball. patalo. badtrip.

kahapon, videoke kasama nina lica kaya hindi ako nakasimba. na-gui-guilty ako.

kagabi, advent recollection ni fr. armand (di ko alam spelling). astig. astig.

kagabi, naaliw uli sa hot pursiot 2, naaliw sa crazy taxi, naaliw sa midnight outlaw street.

kagabi, nag-single sim na lang uli. anlaki kasi kapag dual sim.

kanina, maagang gising, kumpisal at simba, at sleep all day.

bukas, may pasok na uli, quiz sa struct1.

next tuesday, manlilibre si masi.

next wednesday, may pasok kaya? sana meron. sana wala. ewan.

next thursday, sana masabayan ko siya hanggang parañaque para cool.

next friday, deadline sa thesis proposal na wala pa akong ideya.

next saturday, orient2.