Saturday, September 18, 2004
sounds
nalaman ko kagabi na hindi speakers ang may problema kundi soundcard. sinaksak ko na uli ang mga speaker at ngayon, wala nang garagal. ang saya. nakikinig na ako ng ni-rip na enchanting melodies (yung collection ng readers' digest). ang sarap makinig ng classical music. sana tumalino nga ako.
Friday, September 17, 2004
mga kaibigan
nakasalubong ko sina mai at juf habang papunta kaming providence ni arun. nauna na sina reggie, chris, aleck, yot, dandi, sunny at asha. pagdating namin sa taas ng prov, nandoon sina patrick, jeff, jude, at lica. umuwi na si lica, sinamahan muna ni jude tapos binalikan kami. dumating sa malate side ng prov sina john, aj, mica, at atchie. dumating sina ray at anina. sina jude ang kasama ko. dumaan lang ako nang dalawang beses sa aking mga kaibigan mula sa malate.
alas sais pasado, umuwi na ako. sa leon guinto, taft, arnaiz at evangelista, napansin ko na hindi na naman ako maingat sa pagtawid.
ako: ang problema ko siguro ay wala akong problema.
arun: delikado yan, kasi kapag nagkaroon ka ng problema, malaki.
ako: fine with me.
binabawi ko ang naramdaman kong kabadtripan sa nakaraang post. bakit kailangang hanapin ang perpektong pagkakaibigan. hindi naman ito nakikita kundi ginagawa.

ideyal na pagkakaibigan
Thu, 16 Sep 2004 21:54:33 +0800
napaisip ako ni yot. sabi niya, friendship dependent sila kaya ganoon na lang sila kahilig sa inuman. alcholo dependent ang tawag ko sa kanila ni dandi at reggie atbp. ang pagiging alcohol dependent nila ay hindi para mabuhay ngunit para mapagtibay ang pagkakaibigan. tanong ko lang, bakit kailangan pa ng ganoon? ang tunay na pagkakaibigan ba ay kailangan pa ng manipulation? kailangan ba talaga ng alcohol para maging totoo ka sa iyong mga kaibigan? rash conclusion: pure friendship is too ideal.

Thursday, September 16, 2004
diyosa ng retrato
nagsimula ang araw ko sa labas sa isang transaksyon. matagal-tagal akong naghintay at muntik nang mahuli sa klase pero nabigay ko pa rin kay goey ang vcd ng my sassy girl. swerte pala si gago. (malamang siya ang swerte kasi siya ang kakaiba. si goey ba naman ang manood ng hindi porno. haha.)
8th of 13 (13 yata) kami nina gp at alvin (nina...hahaha) sa reporting para sa envieng. ok `yun, gitna.
umulan bago matapos ang klase kaya hindi ako nakauwi. kung kailan talaga wala akong payong. dahil doon, hindi ako nakauwi kaagad at kinailangan kong sa school kumain. hindi ko nakita ngayong araw na ito ni isa kina jeff, patrick, lica at sheila. oh well.
nakapagbayad na ako ng tuition para sa struct1 at pagkatapos noon ay umakyat ako sa sps. may tao sa sca tambayan at sa katabing mesa ay si roc. dumating sina sunny, soyster, reggie, loi, kim at josele (wala naman sana akong nakalimutan) at doon kami kumain.
dinala ni yonni ang jacket ko at pagkakain, pinuntahan ko siya sa north gate. papunta sa north gate, lumihis ako ng daan at naupo sa paborito kong tambayan sa may eng gate. hinintay ko na lang si yonni sa pagkaklasehan niya sa miguel at nakuha ang jacket ko.
hindi sana ako dadaan sa malate pero dumaan na rin ako. nandoon si cara at pinagtawanan namin ang swerte ko. tinext ko kaagad siya kanina kasi pwede na akong mamatay tapos dalawang beses pa. pinaalala sa akin ni cara ang aking rule of three. nga pala, isa pa palang rule of three thing ay ang dalawang beses na pagkakita ko kay miko at che. hehe.
naglakad ako pauwi pagkababa sa tulay. dahil naglalakad ako, napadpad ako sa konica at pinadevelop ang film. pagkauwi, natulog ako at nang magising nang six, kinuha ko ang mga retrato. walang sirang kuha (technically). 26/24 nga, e. pagkauwi, kumain ako ng champuradong hinanda para para kay yonni pero pinasobrahan at iyong sobra ang kinain ko kasi mabait sina mama at tita sa aming mga anak nila.
nga pala, bago ko makalimutan, noong pagpasok ko sa campus nakasalubong ko ang diyosa ng retrato, at noong papunta sa north gate nakita ko siyang muli. gusto ko lang talaga ang nakikita ang mga kaibigang hindi na nahahagilap.

Wednesday, September 15, 2004
kahinaan
may ilang hindi magandang nangyari kagabi. naisip ko lang, bakit hindi ko kayang protektahan ang mga mahal ko sa buhay? ito ang kahinaan ko.
Subscribe to:
Posts (Atom)