Thursday, September 09, 2004

kaibigan

kasama kong gumimik sina lica, george, sheila, patrick, mon, at EL kagabi sa greenbelt at the fort. dalawang barrel yata ng draft ang ininom namin sa pier 4. masaya ang kwentuhan at bistuhan sa inuman, ang pag-aalala sa pagda-drive, pag-alalay sa paglalakad, at pagsesenti sa labas ng condo ni sheila. may bonus pa na videoke.

parang sina reggie, arun atbp. rin ang kasama ko...medyo lang...pero pinasaya nila ako nang lubos. hindi ko naisip dati na makakasama ko sila sa tawanan at luhaan.

salamat sa pagkakataon.

Tuesday, September 07, 2004

adjustment at pag-a-adjust

pumunta ako sa school para kumuha ng adjustment form. dahil pagod pa ako sa mos o baka sadyang tinatamad pa rin ako, muntik nang hindi ako makapunta. buti na lang at medyo nagsisimula na akong sumipag uli.

ang bilis ng pagkuha ng form. kakain sana kami ni jenny sa liy ming kaso ang init kaya sa mcdo na lang kami (para maiba naman...hahaha). buti na lang kasi nandoon sina miko, soyster, louie at ana. dumating si reggie na kasama pala nina yonni na nag-basketball.

sira ang office pc ng malate. ohwell. maya-maya, nasa greenplace na kaming apat nina bugie, soyster at reggie. nilibre ko sila ng colt ice. hindi ko alam kung bakit pati si bugie at soyster ay nilibre ko, pero parang dalawa na rin ang nilibre ko kay reggie kasi siya rin ang umubos ng sa kanila. napaka-spontaneous ng inuman na iyon at nadiskubre kong isang bote lang pala ang tama sa akin. pero hindi ko talaga malaman kung bakit ako nanlibre. ang sabi ko kina soyster at bugie, hindi na kasi nila ako makikita...

pupunta dapat kami ni reggie sa quad para hanapin ang isang burger stand pero nagyayang uminom ang alcohol blooded. pumunta kami pagka-inom pero hindi rin namin nakita. marami namang napag-usapan: korean films, mos, korean films, mos... hehe.

pauwi, dumaan kami sa mcs at napabili ako ng the classic. dvd kaya hindi ko pa napapanood kasi may pasok pa sina adette. kumain muna kami ng kwekwek bago ako umuwi at si reggie, pumunta kina mike at mark baquir (ok, nakalimutan ko na spelling).




ang paalam ko, nasa bahay ako by 3. nag-extend ako hanggang 6 at ang paalam ko ay may bibilhin ako sa quad. dahil ayokong maging sinungaling kaya ako bumili ng dvd. may slight truth pa rin. mga 7 na ako dumating sa bahay. sana sa pasukan, mabait na anak na ako. hehe. tila nagsisimula na akong mag-adjust sa buhay.




kakila pala nina adette at judith si josele. hehe. astig. small world. kilala rin ni adette si stellar pero baka raw hindi niya sila kakilala.




hindi tuloy ang EK lakad bukas. nag-text si lica pero gimik na lang daw kami sa greenbelt. hehe. dito kami sa hometown from where i didn't grow up. gusto ko nang dumating ang bukas. medyo sira nga lang ang grand plano ko na hindi ko pa alam kung kailan ko gagawin pero this calls for a plan b. hehe. wala lang. pero may glorietta pa pala. hehe. sige, glorietta rin naman ang granplan kaya revisions aren't major. basta.

pero ang saya talagang makahanap ng mga kaibigang kagaya nila sa civil. akala ko kasi hindi na ako makahahanap ng grupo sa mga ka-course ko. friends and lovers... hehe. ang saya.

Thursday, September 02, 2004

mas masarap bumangon kapag mas masakit ang bagsak

bagsakan ako. struct1, ceflume, at ceflula

all time high. ikatlong term ko nang may bagsak at tatlo ang binagsak ko. dalawang professional subject at isang major. galit at nag-aalala ang mga magulang ko. ginagawa ko ang makakaya ko para maging steady. sana magawa kong maalis sa kanila ang negative emotions. sana magawa kong mapabuti ang pakiramdam nila. magulo ang isip ko. basta.

astig nga pala `yung pagkakapasa ko sa quameth. kulang ako ng .6 kaya umuwi muna ako para gumawa ng assignment. para makapagpasa bago mag-ala-una, nag-taxi ako pauwi at pabalik sa school. nakakatuwa ang pangalawang sakay kasi nakipagkuru-kuro pa ang driver tungkol sa problema ng bansa. natanong din ako kung saan nag-aaral ang girlfriend ko. hehehe. kaso wala.

nakalibre ako ng tanghalian dahil nanlibre si pearl. hehe. buti pala hinanap ko sila. pearl doesn't look well. sana makatulong ako sa kanyang mga suliranin. pagkain nga pala ni reggie ang kinain ko kasi umalis siya dahil tila may problema. salamat nga pala kina magsy at jenny para sa kanin.

bumagsak si reggie sa subject na hindi niya pwedeng ibagsak, pero hanga ako sa taong `to. steady pa rin. napag-usapan pa namin maya-maya ang tungkol sa adjustment namin. ikukuha pa niya ako ng form bukas.

masarap pakinggan, kahit na bumagsak ka, na naniniwala sa iyo ang prof mo. kung alam lang nina mama na ganoon, siguro makagagaan sa loob nila.

kasama ko sina lica, patrick, sheila, jeff at jude kanina pagkatapos makuha ang mga course card. kami ni lica, may tigatlong bagsak pero nagplano kaming anim ng baguio trip. hindi rin tuloy pagkatapos ng matagal ring pag-uusap. ok lang. masarap magplano. (medyo madalas naming gawin yan sa g69. hehe. plano nang plano pero walang natutuloy.)

kumain sina jeff at patrick at jude pero umuwi na si sheila nanlibre si jude ng halo-halo. may love question na naman si lica at napaisip na naman niya ako. astig `yung sinabi niya tungkol sa mga sagot namin (bale puro kami lalaking kasama niya) pero may astig akong sagot sa kanya sa susunod na magkita kami.

nag-videoke kami pagkatapos at late na naman akong nakauwi. gagawin ko talaga na pagaanin ang pakiramdam nina mama at ni papa na bukas ang dating.

on the lighter side of badtrip things, hindi ko nahirit kanina `yung "serangheyo" nung nagpaalaman kami sa may Baliwag.

nagsisimula na ang paggalaw ng buhay ko. hindi na ito isang patag kaya kailangan kong maging panatag at matatag. dati, wala akong dahilang mabigat para magbagong buhay. ito na. salamat po. +

MOS bukas. turning points talaga ang MOS sa buhay ko - noong nakaraang taon at isa pa bukas.

Wednesday, September 01, 2004

maling araw

mali ang date sa pc clock ko. kani-kanina lang ay august 31 pa lang. inalam ko kung bakit at alam ko na kung bakit. naalala ko kasi nung may ipapasa akong documetn para sa ceflula. iniba ko ang oras. ginawa kong pm ang am o am ang pm..basta, inatras ko ang oras nang 12 hours tapos napansin ko isang araw na am samantalang pm. malamang doon nagago ang pc clock. case closed. hindi ko na aalamin ang mismong pangyayari. tinatamad akong mag-isip for the past months at hindi pa nababalik ang thinking capacity ko. sana mabalik na sa lalong madaling panahon.

[ayon sa mga date sa sent folder ko at sa blog ko, nangyari iyon sa gitna ng ika-7 ng agosto at ika-14]